5 AM

Nagising ako ng 2:30 am pero hindi na ako makatulog.

Nag-meditate nalang ako nagbabakasakali na dumeretso ako sa tulog. Pero hindi na ko dinalaw ng antok.

Pinanood ko nalang yung latest video ni PewDiePie, pagkatapos nagbasa ako ng libro.

Tingin ako sa phone ko para icheck ang oras..5am na pala.

Isa sa goal ko sa buhay ang gumising ng 5am everyday. Pero lagi akong puyat dahil sa late na rin matulog ang anak kong bunso.

Nagpunta kagad ako ng veranda.

Dahil summer ngayon mahaba ang araw at maiksi ang gabi, kaya sa ganitong oras maliwanag na.

Maulap na langit, mataas na bundok, mga puno, malawak na bukid at maingay na tiktalaok ng manok. May iilan sasakyan palang sa kalsada; maagang papasok sa trabaho at ang ilan naman ay ngayon palang uuwe sa bahay.

Ganto pala ang feeling ng 5AM.

Bata

May 3 araw ng walang tigil ang ulan at may possibility na hangang next week pa ganto ang panahon.

Umaga palang pagkagising ng dalawa kong bunso sagutan na sila sa iyak. Kailangan ko maghanda ng umagahan para kay hubby at sa dalawa ko pang anak na aalis ng maaga.

Hindi na bago sakin ang ganitong sitwasyon; gyera tuwing umaga.

Pagkatapos ng iyak harutan naman. Kapag nasimulan ang iyak hindi mo madampihan ng tubig pero kapag nasa condition walang tigil ang tawa.