Pasalubong

After 5 months bumalik na ulit si mama dito sa Korea. Happy ang mga anak ko nang malaman nila na pupunta kami sa airport para sunduin ang lola nila.

Hindi na ako nagbayad ng extra baggage kaya up to 7kg lang ang pwedeng dalin ni mama. Pero kalahati ng bag nya pasalubong. Ito pala yung mga dala nya.

Choco Mucho. Laging nakikita ni Jihoon sa Youtube kaya nacurious sa lasa. Isang beses umiyak pa sya kasi may nakita ako sa Ebay Korea pero di ko binili, hindi kasi pwede paisa isa.

Cloud 9. Elementary days, isasave ko talaga yung 5 pesos na baon ko para makabili nito.

Choco Peanut Butter. Ito yung business ngayon ng pinsan ko kaya nagpabili ako kay mama. Maliit lang binili nya baka kasi masita sa airport. Yummy!!

Jollibee. Gusto ko talagang kumain nito pero hindi ko na sinabi kay mother. Pero nabasa ata ng kapatid ko ang nasa isip ko.

Meron pang jelly na pizza pero di ko napicturan dahil naubos na ng mga anak ko.

Sa dami ng pasalubong hindi ko alam kung kelan namin ito mauubos kaya sabi ko sa mga anak ko bigyan din nila yung mga kalaro nila.

Thank you kay mama at Jean at sa asawa nya si Shid at Kevin sa mga pasalubong. At kay papa sa binigay nyang damit para kay hubby.

Thanks for reading.

May you have a prosperous day further!^^

Summer

It’s 6 am and the sun is already up. Summer, daylight lasts longer and nighttime is shorter. What do I like about summer? I asked myself. Summer is my least favorite season. I couldn’t find the answer for 2 minutes.

And then I look outside, appreciating the beauty of the green mountain that I can only see during summer. I look at the sky, and it’s clear while the thin clouds are dancing. Nothing can beat the clear sky of summer.

I turn my attention to the crop fields. Their leaves are waving on me. I thank summer for these crops.

What do I like about summer? I asked myself again. I see the true beauty of nature in summer. The taste of cold water. Camping. Longer days. Watermelons. And Jiwoo’s birthday.

Visiting Jeongeup-Si

We used to live in Jeongeup for two years. Dito ko unang naexperience ang spring, autumn, and winter. At dito ko rin naexperince sumakay ng bus na hindi alam saan bababa dahil hindi pa ako marunong magkorean.

2012 nang lumipat kami sa Gyeonggido. Gusto ko dito dahil sa mga advantages like malapit sa Seoul at sa Incheon. Pero kung tatanungin mo ako kung san ko gustong tumira kung saan ako mas masaya. Sa Jeongeup ang lagi kong sagot.

I made an agreement sa sarili ko na atleast every 2 years bibisita ako sa Jeongeup. We made our first visit last 2017 and guess what its 2019 na so I texted my two closed friends na pupunta ako sa bahay nila.

April 21, 2019 Sunday at 1:00pm nagdrive kami papuntang Jeonguep. We took a small rest sa Shinyudo. Tapos diretso kami sa Gobu to meet Joy.

Joy is 8 months pregnant habang sinusulat ko ito. Kahit sandali lang yung kwentuhan at kamustahan namin ang mahalaga nakita ko sya.

Nakitulog lang kami sa bahay ng kaibigan ng asawa ko. Filipina din ang asawa ng kaibigan nya at naging kaibigan ko din; si Gerly. Kaya naman hindi boring dahil may kachikahan ako at noong first visit namin dito din kami tumuloy. I am thankful sa hospitality nilang family.

The next day, nagpunta kami sa park dun kami nagpicnic breakfast. Yun ang pinakamasarap na breakfast na naexperience ko. Nakasmile lang kaming mag-asawa the whole na kumakain kami habang naglalaro ang makukulit namin anak.

Then, we drove to see my friend Tina. Busy sya pero pinatuloy nya pa rin kami sa bahay nila. I am happy to see her again. I just wish na sana makapagbonding kaming tatlo ( Me, Joy, Tina ) ulit sa susunod na bisita ko.

Nagpunta kami sa park kasama ang mga kaibigan ng asawa ko, bali 3 families kami. Nagagbike at naglaro ang mga bata. Wala akong idea na ganto pala kadami ang park sa Jeongeup. 2 hours din nakapaglaro ang mga bata at kumain kami ng Galbi.

Pagkatapos ng kainan time to say goodbye. Sana sa susunod magtagal na kami ng bisita kasi sobrang bitin eh. Sobrang nag-enjoy ako na gusto ko na sa Jeongeup nalang ulit tumira.

Beauty of Spring

I want to write a small post to appreciate the beauty of spring.

After the cold and crisp wind of winter and everything is bluish white. Here comes spring. Nature is showing its true color, from beautiful cherry blossoms to small and big mountains that turns green.

Who doesn’t love the beauty of spring?

Saturday Spring

Saturday 3pm nagdrive kami papuntang Seoulland unfortunately ang daming sasakyan may possibility na hindi kami makapasok sa loob sa dami ng taong naghihintay.

Nagpunta nalang kami sa Banpo Hangang Park. Meron band na nagpeperform nang dumating kami. Wala sa plano ang pagpunta namin, maganda sanang magpicnic.

May 2 hours din naglaro at nagbike ang mga bata pagkatapos umuwe na kami dahil lumalamig na ang hangin.

Banpo Hanggang Park

The wave of nostalgia: East Coast White Sand Beach Anda Bohol.

Hi everyone! Kamusta kayo? Very excited ako na ishare sa inyo ang highlight sa pagbisita namin sa Bohol, East Coast White Sand Beach Resort. First paragraph palang ito pero sasabihin ko na sobrang ganda po ng resort.

Bago kami umalis papuntang Anda nagrent muna kami ng sasakyan (self-drive). Ito yung ginamit namin para maenjoy ang street view ng Bohol. SUV ang pinili namin and it cost 2000php/day.

Oct.29 at 3pm iniwan namin ang Panglao at nagdrive papuntang Anda. Kailangan lang mag-ingat dahil madaming tao ang nakatira sa tabing kalsada.

Pagkatapos ng mahigit 2hrs na pagddrive nakarating din kami sa Anda, around 8pm na rin. At the lobby nakangiti kaming binati ng mga staffs ng resort. Pagkatapos iexplained samin ang rules and regulation ng resort tinanong kami ng desk clerk kung kumain na kami para maipahanda na ang dinner namin.

Pagpasok palang sa kwarto amoy downy na. Family suite ang kinuha namin, 2 large beds, and 1 double bed. Glass window with yellow curtains. Kahit nakahiga maeenjoy mo pa rin ang view ng dagat.

After few minutes sinerve samin ang welcome drinks. Nakakatuwa lang ang asawa ko nagandahan talaga sya sa place kaya laging bukang bibig nya “ang ganda, ang ganda ng dagat, perfect location! dito nalang tayo tumira.”

Maaga akong nagising sa alon ng dagat. Naalala ko noon bata pa ako nang buhay pa ang lola Igles ko. Sa Zamboanga sya nakatira at tabing dagat din ang bahay nya. The wave of nostalgia.^^

May free breakfast ang resort 7am-10am. Very simple ang breakfast menu, fried egg, sausage, corn beef at rice. Umulan sa umaga habang nakain kami. Nalaman ko kay papa na may bagyo pala sa Manila ng araw na iyon.

Pagkatapos kumain ng umagahan diretso kagad ang mga bata sa swimming pool. Meron tatlong malalaking pool at jaccuzi. Wala masyadong guests noon araw na nagcheck-in kami kaya parang nagrent na rin kami ng private resort.

Pagkatapos ng mga bata magswimming diretso kami sa restaurant ng resort. Filipino cuisines ang makikita sa menu book. Thank goodness masarap ang luto nila. Nagustuhan din ni hubby ko ang timplahan nila.

20181030_202641.jpg

Sinubukan namin picturan si Jiwoo habang nakahanbok, pero hindi pa rin maganda ang pakiramdam nya kaya iilan lang ang magandang kuha.

Nakarating din kami hangang Ubay gamit ang sasakyang nirent namin. At 7pm na ng nakabalik kami sa resort. Ito na yung last night namin dito, 10am kailangan na namin magcheck-out dahil may schedule pa kami papuntang Chocolate Hill tapos lipad na ulit kami papuntang Manila.

Sobrang nag-enjoy ang mga bata. Masarap ang pagkain. Very good ang mga staffs nila laging nakagreet at nakasmile.

Thank you for reading this post. Have a great day!

Philippine Vacation 2018: Family bonding in few words.

Isa sa mga hinihintay kong moments ngayon 2018 ay ang pagbabakasyon namin sa Pilipinas. Ito ang unang uwe ko simula dumating ako dito sa Korea, 8 years na rin.

October 24 at 8:30pm ang flight namin. Hindi joke ang pagmamadali bago kami makasakay ng eroplano..muntik na kami maiwan.

Bago kami umuwe nakabooked na kung saan kami magsstay. Pagdating namen ng pinas sa Tagaytay kami nagstay from Oct.24-Oct 26. Nagrent kami ng bahay gamit ang Airbnb.

Sinundo kami ng pamilya ng kapatid ko sa naia airport. At nakarating kami sa Tagaytay around 2am na.

Pagdating sa bahay sinalubong kami ni mama at papa. Pagpasok namin sa bahay naghihintay ang aking lolo, lola, mga pinsan, at ang bunso namen kapatid. Yung saya ko na makakasama ko ulit ang mga kapatid ko kahit sandaling panahon lang. Narealized ko na sobrang namiss ko sila. Sa airport pa lang ng makita ko si Jean hinohold ko na yung luha ko pero naging automatic sya nun nakita ko ang bunso namin. Bakit hindi ko nasubaybayan ang paglaki nya?

After 5 hours of sleep nagluto ang asawa ng ramyeon para samin lahat at namili kami ng mga pwedeng ihawin sa hapunan. At dahil sa ambilis ng oras 4pm na kami nakauwe. Bumili nalang kami sa Jollibee ng lunch.

Around 8pm sinimulan na nilang mag-ihaw. Sinarapan nila kaya dalawang malaking tilapia ang nakain ko. Masarap din yung lansones at manga na binili ni Jean kaya andaming nakain ng mga bata.

Pagkatapos kumain meron kaunting inuman. Hindi ko na sinamahan ang asawa ko dahil nagigising ang mga bata kapag wala ako sa tabi nila. Tahimik sa umpisa dahil sa language gap kaya gamit na sila ng google translate para lang magkaintindihan.

Oct. 26, special day ni Kevin. Ikakasal na sya sa magandang si Marlyn. Naappericiate ko na pinilit nila yung sked ng kasal nila habang nasa pinas kami. Simpleng handaan. Masarap na pagkain. Malakas na tawanan. Congrats and best wishes!

Pagkatapos ng kainan ang mahabang tawanan at kwentuhan gusto ko pa silang makasama pero kailangan na namin magpaalam, may flight pa kami papuntang Bohol kinabukasan.

Para sakin may ibat iba flavor ang happiness depende sa sitwasyon o scenario. Masaya man ang buhay ko dito sa Korea pero yung makasama ko ang pamilya ko sa pinas ang nagkumpleto sa halo-halo ko. Sa susunod na pag-uwe ko ulit.

See you soon!