Philippine Vacation: Island Hopping Tour Bohol.

Hi everyone! After sa Tagaytay lumipad kami papuntang Tagbilaran Airport.

Medyo late ang arrival namin at paikot-ikot ang eroplano bago kami makalapag dahil isang eroplano lang ang kayang iaccomodate ng airport, nagkataon na may nauna samin.

Hindi ko napicturan yung ibang moments. May sakit si Jiwoo noon nasa Bohol kami kaya karga ko lang sya the whole time.

Paglabas ng airport busy na ang mga drivers na magtawag ng mga passengers. Nagtaxi kami papuntang Panglao Regents Park Hotel. 600php ang taxi fee. 6pm na rin ng makarating kami sa hotel. Pagkatapos mailapag ang mga gamit nagyaya kagad si hubby ko na lumabas para kumain.

Paglabas namin ng hotel may humarang samin na nagooffer ng mga package tour nila. Pagkatapos ng mahabang negosasyon ^^ Island Hopping tour ang napili namin.

Simula sa hotel hangang Alona Beach nasa 10 mins lang kung lalakarin. Dahil gabi na, sobrang busy ng kalsada papuntang Alona Beach. Ang daming foreigners. Busy at puno ang mga restaurants. Napansin ko lang na sa dami ng mga kainan halos lahat barbeque ang menu nila.

Oct. 28 at 6am umalis kami ng hotel para sa hopping tour. 2500php ang binayad namin para sa private boat.

Alona Beach busy morning

Ito ang mga included sa Island Hopping tour:

Dolphin Watching. Nang makarating kami sa spot kung saan madalas makita ang mga dolphins ang dami na narin naghihintay na bangka. Unfortunately, hindi sila nagpakita. Kung medyo inaagahan pa namin, malaki ang possibility na makita namin ang mga cute dolphins.

Snorkelling in Balicasag Island. Pagdating sa Balicasag Island nagtransfer kami sa maliit na bangka para magsnorkelling. Snorkelling cost 250php/pax, 150php ang rent para sa snorkelling gear. Meron din kaming dalang tinapay pakain sa mga isda.

Virgin Island. Pagkatapos namin kumain sa Balicasag Island sumakay ulit kami sa boat para sa last destination ng tour, Virgin Island. Dito nag-enjoy ang mga bata. Mababaw ang tubig. Meron din ilan mga stalls set up. Ang ganda po ng Virgin Island.

Virgin Island

Around 4pm na kami nakabalik sa hotel. Pagod pero sobra kaming nag-enjoy. Pagkatapos maligo kumain lang kami ng ramyeon sa hotel. Namiss ko ang ramyeon kaya ang dami ko nakain.

Last night namin ito sa Panglao. Next day pupunta naman kami sa Anda Bohol. See you in my next post!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s