Philippine Vacation 2018: Family bonding in few words.

Isa sa mga hinihintay kong moments ngayon 2018 ay ang pagbabakasyon namin sa Pilipinas. Ito ang unang uwe ko simula dumating ako dito sa Korea, 8 years na rin.

October 24 at 8:30pm ang flight namin. Hindi joke ang pagmamadali bago kami makasakay ng eroplano..muntik na kami maiwan.

Bago kami umuwe nakabooked na kung saan kami magsstay. Pagdating namen ng pinas sa Tagaytay kami nagstay from Oct.24-Oct 26. Nagrent kami ng bahay gamit ang Airbnb.

Sinundo kami ng pamilya ng kapatid ko sa naia airport. At nakarating kami sa Tagaytay around 2am na.

Pagdating sa bahay sinalubong kami ni mama at papa. Pagpasok namin sa bahay naghihintay ang aking lolo, lola, mga pinsan, at ang bunso namen kapatid. Yung saya ko na makakasama ko ulit ang mga kapatid ko kahit sandaling panahon lang. Narealized ko na sobrang namiss ko sila. Sa airport pa lang ng makita ko si Jean hinohold ko na yung luha ko pero naging automatic sya nun nakita ko ang bunso namin. Bakit hindi ko nasubaybayan ang paglaki nya?

After 5 hours of sleep nagluto ang asawa ng ramyeon para samin lahat at namili kami ng mga pwedeng ihawin sa hapunan. At dahil sa ambilis ng oras 4pm na kami nakauwe. Bumili nalang kami sa Jollibee ng lunch.

Around 8pm sinimulan na nilang mag-ihaw. Sinarapan nila kaya dalawang malaking tilapia ang nakain ko. Masarap din yung lansones at manga na binili ni Jean kaya andaming nakain ng mga bata.

Pagkatapos kumain meron kaunting inuman. Hindi ko na sinamahan ang asawa ko dahil nagigising ang mga bata kapag wala ako sa tabi nila. Tahimik sa umpisa dahil sa language gap kaya gamit na sila ng google translate para lang magkaintindihan.

Oct. 26, special day ni Kevin. Ikakasal na sya sa magandang si Marlyn. Naappericiate ko na pinilit nila yung sked ng kasal nila habang nasa pinas kami. Simpleng handaan. Masarap na pagkain. Malakas na tawanan. Congrats and best wishes!

Pagkatapos ng kainan ang mahabang tawanan at kwentuhan gusto ko pa silang makasama pero kailangan na namin magpaalam, may flight pa kami papuntang Bohol kinabukasan.

Para sakin may ibat iba flavor ang happiness depende sa sitwasyon o scenario. Masaya man ang buhay ko dito sa Korea pero yung makasama ko ang pamilya ko sa pinas ang nagkumpleto sa halo-halo ko. Sa susunod na pag-uwe ko ulit.

See you soon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s